The Jinxed Apple Poetry: Imposible

Standard

Imposible
(2004)

 

Nagkalapit tayo sa panahon ng aking pananangis.
Iniwan ako ng lahat, pero ikaw,
nanatili ka lang sa aking tabi.
Nakatayo, nakikisama.
Sumasabay sa bawat hikbi ko’t pagluha.
Sumama sa paglubog ko sa kumunoy ng kahirapan.
Dumamay sa pag-gapi ko sa problema.

Mula noon,
Unti-unting lumago ang pagmamahal ko sa ‘yo.
Ang maliliit na kulisap,
naging makulay na paro-paro.
Sumisirko, umiikot, nananahan,
dito sa sikmura ko.
Sa tuwing makakasama kita, tila ba nagsasayawan sila.
Maisip lang kita, kakaibang kiliti ang nadarama ko.

Naisip ko tuloy,
Pano kung maging tayo?
Pano kung tayo na nga?
Ako na siguro ang pinakamaligayng tao.
Sana nga. Sana nga talaga.

Pero hindi. Imposible.
Hindi maaring mangyari.

Dahil kagaya ko, iyon rin ang linya mo.
Ang ipinaglalaban, karapatan ng kababaihan.
Laban sa pang-aabuso, laban sa karahasan.
Imposible dahil kagaya ko…

…babae ka rin.

_________

Parang awa niyo na, paki-follow ako sa twitter. Please. K. Thx. Bye.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s