Intro to the Big Show: The Jinxed Apple Election 2013 Series

Standard

 

Bilang pag-tugon ko sa panawagan ng isang kaibigang naninilbihan bilang tagapag-salita ng COMELEC, isang serye ng mga tula at ilang komentaryo patungkol sa eleksyon ang aking susubukang ilabas. Layunin kong maipahayag, sa aking munting paraan, ang aking mga saloobin ukol sa mga kampanya, pulitiko, uri ng pulitika, at kung ano-ano pang drama at kwento sa likod ng halalan sa Pilipinas. Kasama na rin ang paghikayat sa ating mga kababayan sa iba’t-ibang panig ng mundo na maki-bahagi sa darating na eleksyon.

Batid kong malayo pa bago maging mapanuri ang Pilipino sa pag-boto. Likas kasi tayong mababait at madaling maniwala sa pambobola. Masakit man pero, madaling ma-uto kumbaga. Hinahayaan nating abusuhin ng mga bwitreng pulitiko ang kahinaan nating mga Pilipino: ang pangakong i-aangat tayo sa kumunoy ng kahirapan. Nais ko na sa mga susunod na araw ay maituwid ang kaisipan ng mga kapwa ko Pinoy at masabi sa kanila na maging mapanuri at mapag-matyag sa mga pangakong bibitawan ng mga pulitiko. Hindi lang ang grandyosong campaign ads sa tv ang batayan, kundi ang plataporma at kung gaano ito kalapit sa katotohanan.

Ang pag-boto o pagkiki-isa sa halalan ay ating karapatan at responsibilidad sa bayan. Maswerte tayo at nabiyayaan tayo ng isang demokratikong pamahalaan kung saan tayo mismo ang nagluluklok ng mga lider na sa ating palagay ay nararapat para sa posisyon. Ibinigay sa atin ang kapangyarihang mamili, gamitin natin ito ng tama at huwag sayangin.

Mula sa araw na ito hanggang sa araw ng halalan, susubukan kong abutin ang mga Pilipino, sa pamamagitan ng literatura at konting pagpapa-pansin.

 

I-tweet mo opinion mo sa Jinxed Apple.Sige Na. Please.

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s