The Jinxed Apple Poetry: Sayang

Standard

…Sayang…

Sayang. Sinagot na sana kita noon…
nung pwede pa…
nung may panahon pa.

Sayang. Naging tayo pa sana..
yung masayang naglalambingan sa ilalim
ng liliw ng ulan.
Naghahabulan…
naghaharutan.

Sayang. ‘Di ko man lang iyon naranasan.
Maaga kasi tayomg nagkapaalamanan.
‘Di ko man lang nasabi…

MAHAL KITA. GUSTONG-GUSTO KITANG MAKASAMA.

Sayang. Binigyan pa sana kita ng pagkakataon…
pagkakataong maipakita mo ang tunay na
nadarama…
nung may panahon pa…
nung ‘di pa huli ang lahat.

Ngayon, habang pinapanood ko ang paghimlay sa pagal na katawan.
Habang nakikita ko ang lahat ng pagtangis.
Lahat ng pagdaramdam.
saka ko ito naisip.
Saka ako naghinayang.

Habang nasisilayan ko ang unti-unting pagpatak
ng butil-butil mong luha.
Habang inaalay mo ang huling dosena ng rosas na puti.
Habang halos ikamatay mo na rin ang pagtabon
sa bago kong tahanan.

Naisip ko,
sayang.

Sayang talaga…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s