The Jinxed Apple Poetry: Si Mang Jose at PNoy

Standard

This poem was written to describe PNoy’s 100th day in office. Just sharing.

Si Mang Jose at PNoy
(09-28-2010 / Palengke ng Balintawak)

Si Mang Jose.
Superhero na pwedeng arkilahin.
Tagapag-ligtas sa mga kalaban
na ang mata ay color yellow.

Si P-Noy,
Ang nagpupumilit maging superhero.
Sinasabing siya ang tagapag-ligtas
ng lahing inaapi.
Kulay niya ang color yellow.

Kahit yata si P-Noy ay nalito
patungo sa sinasabi niyang daan ng pagbabago.
Isandaang araw na ang nakalipas,
ang naghaharing uri pa rin kumukumpas.

Ang bayang kanyang umano’y ililigtas,
naririrto’t lalong lumalagaslas.

Ngayo’y hinihintay ko na,
matapos ang kanyang unang isangdaang araw,
si P-Noy ay magpapaliwanag
hihingi ng panahon…
muling mangangako…
muling maghahanap ng mapag-bubuntunan…
muling magbabato ng putik sa kalaban.

Malabo nang muling maka-uto,
ano man ang ipangako’y
di na muling tatatak pa
sa isip ng maralitang taga-lungsod.

Tapos na ang madyik, P-Noy.
Tapos na ang palabas.

Si Mang Jose,
ang superhero na pwedeng arkilahin.
Matapos yun, bigla kang sisingilin.

Si P-Noy,
Ang superhrong nagpupumilit.
Hindi man halata, doble kung maningil.

 

_________

I am conquering twitterverse here —> www.twitter.com/engr_leiyla

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s