Election Series Poetry: Kasiguraduhan (A Tribute to Hacienda Luisita Farmers)

Standard

Hanggang ngayon ay hindi pa ganap ang pagpapa-laya sa mga magsasaka at pisante ng Hacienda Luisita. Hindi sa paglabas ng utos ng korte suprema natatapos ang laban, patuloy natin silang suportahan.

 

Kasiguruhan
(Alay sa mga Martir ng Hacienda Luisita)

 

Sa bawat taas-kamaong pagsalubong,
sa bawat matamis na ngiti ng mga maggagawang bukid,
sa bawat pagpapahayag ng suporta ng batayang masang
binubugbog at pinaglalaruan ng naghaharing uri.

Sa bawat pagsigaw ng katarungan ng mga kasamang naiwan
nasasalamin ang mga matatamis na ngiti ng martir ng tubuhan.

Ang kaligayahan at kasiguruhan.
Gamitan man ng kapangyarihan,
harangan man ng bala,
kumutan man ng tubig at kemikal
ang ating mga pagal na katawan,

Hindi matitibag ang ating hanay.
Itutuloy natin ang laban.
Itutuloy natin hanggang kamatayan.

 

________

Twitter : www.twitter.com/engr_leiyla

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s