Poetry: Waiting in Vain

Standard

Maghihintay ako
abutin man ng isang siglo.
Nanadito lang ako…
nakaupo, nagyoyosi
sa lugar na itinakda mo.

Mamuti man ang mata ko,
pagtinginan man ako ng tao,
basta para sa iyo
…maghihintay ako.
Taon na ang nakalipas, mahal.
Maputi na ang aking buhok,
kulubot na ang dating masigla kong balat.
Malungkot na ang dating mapusyaw kong kutis…
ngunit narito pa rin ako.
Naghihintay, nananalig.
Sa pangako mong ika’y babalik.
Babalik sa mga bisig kong
minsan na ring nagkanlong
sa hapo mong katauhan.

mga bisig ko…
na siya mong naging gabay
sa pagsilbi sa bayang lubog sa
kumunoy ng paghihirap…ng panunupil.
Mapagod man ang mortal kong katawan
huwag kang mangamba aking mahal.
Itutuloy ko ang paghihintay
doon…sa lupain ng mga diwata,
sa lupain na ipinangako.

dahil batid ko, irog…

…doon ka rin patungo.

Advertisements

About Tita of Manila

Leiy is a Professional Civil Engineer who spends her day sitting on a desk, day dreaming. During her free time, she plans and coordinates events for people who can't find the time to do so. She considers blogging as a way to express herself freely, without any inhibition or fear of getting rejected. She is currently based in Manila.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s